Bilar, Bohol – Masayang isinagawa ng mga kawani ng Bilar Police Station ang Community Outreach Activity sa Riverside Elementary School, Barangay Riverside, Bilar, Bohol nito lamang ika-8 ng Setyembre 2022.
Ang aktibidad ay aktibong pinangunahan ng mga kawani ng Bilar Police Station sa pangangasiwa ni Police Lieutenant Virgilio G Doria, Chief of Police ng naturang istasyon.
Lubos naman ang tuwa ng mga mag-aaral at mga guro sa kanilang natanggap na pagkain mula sa grupo.
Layunin ng aktibidad na makapaghandog ng tulong at makapagbigay ng saya sa mamamayan at maipadama ang tunay na malasakit at pagmamahal ng Pambansang Pulisya.