Calapan City, Oriental Mindoro – Timbog ang isang Wanted Person sa isinagawang operasyon ng Calapan City Police Station sa Brgy. Guinobatan, Calapan City, Oriental Mindoro noong Setyembre 7, 2022.
Kinilala ni Police Lieutenant Anthony Ramos, Chief of Police ng Calapan CPS, ang suspek na may alyas na “Jeepy”, residente ng Brgy. Parang, Calapan City, Oriental Mindoro.
Ayon kay PLtCol Ramos, naaresto ang suspek bandang 9:40 ng umaga ng pinagsanib na puwersa ng mga tauhan ng Calapan CPS, 1st Provincial Mobile Force Company Oriental Mindoro, Maritime Police Oriental Mindoro at Provincial Highway Patrol Team Oriental Mindoro.
Ayon pa kay PLtCol Ramos, naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong paglabag sa R.A. 9262 o Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004 na may inirekomendang piyansa na Php72,000.
Ang Pambansang Pulisya ay hindi titigil sa kampanya laban sa pagsugpo sa kriminalidad, droga at terorismo para sa kaligtasan ng mamamayan at ng bansa.
Source: Calapan Cps
Panulat ni Patrolman Erwin Calaus