General Trias, Cavite – Tinatayang Php6,800,000 halaga ng shabu ang nasabat sa isang suspek sa isinagawang buy-bust operation ng Cavite PNP nito lamang Setyembre 6, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Christopher F Olazo, Officer-In-Charge, Cavite Police Provincial Office, ang suspek na si Alvin Makalay Y Guiamal, 30, may asawa, house caretaker, residente ng Blk 54 Lot1 Ph3 Tierra Solana Subd., Brgy. Buenavista 3, Gen. Trias City, Cavite.
Ayon kay PLtCol Maglana, bandang 1:00 ng hapon naaresto ang suspek sa Buenavista 3, Gen Trias City, Cavite ng mga operatiba ng PNPÂ Drug Enforcement Group-Special Operations Unit 4B, Gen Trias Drug Enforcement Unit, Cavite Police Provincial Office-Philippine Drug Enforcement Unit.
Narekober mula sa suspek ang 17 pirasong heat-sealed transparent plastic sachets ng pinaghihinalaang shabu na may timbang na mahigit-kumulang isang kilo at tinatayang nagkakahalaga ng Php6,800,000.
Nakumpiska rin sa mga suspek ang isang 9mm berreta na may PNP markings at Serial no. M274.86Z, dalawang magazines, 11 piraso na 9mm Ammunition, isang genuine na Php1,000 na may Serial No. EE320406, 10 bugkos na boodle money, isang maliit at black weighing scale, isang Android phone, isang black pouch bag, isang kulay kahel na paper bag, isang maliit at puting kahon at isang personal identification card.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Section 5 at 11, Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Patuloy ang PNP sa pagpapaigting sa kampanya laban sa ilegal na droga at hinihikayat ang mga mamamayan na makiisa sa tuluyang pagsugpo ng talamak na pagbebenta at paggamit ng droga sa komunidad na nakasira sa buhay ng mga mamamayan lalo na ang kinabukasan ng mga kabataan.
Source: Cavite Police Provincial Office PIO
Panulat ni Police Staff Sergeant Donabel Dulin