Camp BGen Simeon A. Ola, Legaspi City – Nagtalaga ang Police Regional Office 5 ng 2,234 na mga police personnel para matiyak na maayos at mapayapa ang selebrasyon ng Peñafrancia Festival 2022 sa Naga City ngayong araw, Setyembre 8, 2022.
Ang nasabing paghahanda ng PRO 5 ay upang tiyakin ang kaligtasan at seguridad ng milyun-milyong pilgrims at deboto mula sa iba’t ibang lugar na bibisita sa pagdiriwang ng pinakamalaking Marian Pilgrimage sa buong Asya.
Kasama sa mga paghahanda ang pagsasagawa ng checkpoints, police visibility at contingency plan.
Nagtayo din ng Command Post sa Naga City Police Office upang magmonitor sa okasyon at Motorist Assistance Center upang magbigay ng assistance sa mga motorista at biyahero.
Ipinatupad din ang gun ban restrictions sa lugar mula Setyembre 5-25 upang maiwasan ang anumang krimen na may kaugnayan sa paggamit ng baril.
Pinaigting din ang anti-criminality operations upang mahadlangan at mapigilan ang mga grupo na nagbabalak gumawa ng kaguluhan sa nasabing okasyon.
“Our preparations are still ongoing. We are looking keenly on every detail to assure to our devotees their right to enjoy their religious beliefs is safeguarded. We also urge the public for their participation and cooperation in making this event a success”, pahayag ni PBGen Dimas, RD, PRO5.
Source: KASUROG Bicol
Panulat ni Pat Rodel Grecia