Zamboanga City – Tinatayang nasa Php7,000.000 halaga ng smuggled cigarettes ang nasabat sa isinagawang seaborne patrol sa karagatan ng Manalipa Island, Zamboanga City nito lamang Martes, Setyembre 6, 2022.
Kinilala ni Police Brigadier General Neil Alinsangan, Acting Regional Director ng Police Regional Office 9, ang limang suspek na sina Alzhimeir Dasad Y Daud, Arjhemer J Jamad, Nelson T Dammang, James Jaitulla at Abdul Ajim T Aras.
Ayon kay PBGen Alinsangan, bandang 10:00 ng gabi nang naaresto ang limang suspek sa naturang barangay ng mga operatiba ng 2nd Zamboanga City Mobile Force Company “Seaborne”, Bureau of Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) at Enforcement and Security Service (ESS).
Nasabat sa limang suspek ang 198 master cases ng Fort Menthol, dalawang master cases at 10 reams ng Tough Menthol na mga smuggled cigarettes na may tinatayang halaga na Php7,000,000.
Ang nasabing smuggled cigarettes ay lulan ng motorized wooden craft na mas kilala sa tawag na “Jungkong”.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Sec. 1401 (Unlawful Importation or Exportation) ng RA 10863 na kilala rin bilang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).
Ang pagpapaigting na kampanya laban sa mga smuggled cigarettes ay kaugnay sa CPNP’s Peace and Security Framework na Malasakit + Kaayusan+ Kapayapaan= Kaunlaran at KASIMBAYANAN.
Ang Pambansang Pulisya ay patuloy ang kampanya laban sa mga gustong magpuslit ng mga smuggled cigarettes. Ito ang resulta sa mas mahigpit na pagpapatupad ng batas sa lahat ng entry at exit point sa ating bansa dahil sa kooperasyon ng mga mamamayan na kaagapay sa pagpapanatili ng kaayusan at katahimikan ng ating pamayanan.
Panulat ni Police Staff Sergeant Grace Neville Ortiz