Arestado ang suspek sa kasong rape at ang most wanted person sa Zamboanga del Norte ng pinagsanib pwersa ng mga operatiba ng San Agustin Municipal Police Station 1st Surigao del Sur Provincial Mobile Force Company sa pakikipag-ugnayan sa Zamboanga del Norte Police Provincial Office noong November 9.
Kinilala ang suspek na si Warren R Baje, residente ng Sitio Hamburger, Barangay Gata, San Agustin, Surigao del Sur, naaresto si Baje sa bisa ng warrant of arrest na may Criminal Case No. 13393 sa kasong rape na may kaugnayan sa R.A 7610 Special Protection of Children Against Child Abuse, Exploitation and Discrimination Act.
Ayon sa imbestigasyon, ginahasa umano ng suspek ang 2-taong gulang na sangol sa Polanco, Zamboanga del taong 2006 kung saan siya dati nakatira, nagtago ito sa lalawigan ng Surigao kung saan nandoon ang kanyang mga kamag-anak.
Naaresto si Baje dahil sa carnapping incident noong October 19, 2021 sa Surigao del Sur kung saan ay kamag-anak niya ang suspek matapos ipagbigay alam ng isang informant na may pamangkin itong may nakahain na Warrant of Arrest sa Zamboanga del Norte.
“With our strong commitment, our troops will never stop conducting manhunt operations against those with warrant of arrest. Expect more wanted persons to be hauled in jail as our efforts are gaining headway on the ground,” ani RD CARAMAT, JR
#####
Panulat ni: Police Corporal Romulo Cleve Ortenero
Salamat sa ating kapulisan.