Talibon, Bohol – Nagsagawa ng Oplan Bisita Eskwela “I am Strong” ang mga miyembro ng Talibon Police Station sa Santo Niño High School, Brgy. Sto. Niño, Talibon, Bohol nito lamang Setyembre 06, 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Major Erenieto Polestico Feniza, Chief of Police ng Talibon Police Station katuwang ang faculty at staff ng Santo Niño High School sa pamumuno ni Engr. Israel S. Padillo, School Head, HT-III.
Kasabay ng aktibidad ay ang pagbibigay ng lecture tungkol sa awareness campaign tulad ng RA 10627 o Anti-Bullying Act of 2013 at “Special Protection of Children against Child Abuse, Exploitation and Discrimination Act” o Republic Act 7610 na nagsusulong sa mga karapatan ng mga kabataan laban sa pang-aabuso, pananamantala at diskriminasyon.
Upang mas lalong maintindihan at madagdagan ang kanilang kaalaman para sa kanilang mga karapatan, namahagi rin ang mga nasabing kapulisan ng pamphlets patungkol sa RA 7610, Online Sexual Exploitation of Children (OSEC), Safety Tips against Sexual Violence at iba pa.
Lubos ang tuwa at galak ng mga kabataan sa mga itinurong kaalaman na lubos na makakatulong sa kanilang kaligtasan at ibinahaging pagkain ng mga kapulisan.
Layunin ng Talibon PNP na lalong paigtingin ang naumpisahang magandang ugnayan, maihatid ang tamang kaalaman at maipadama ang malasakit at pagmamahal sa mga kabataan na kanilang nasasakupan.