Lucena City, Quezon – Naisagawa ang Command Conference ng Area Police Command – Southern Luzon (APC-SL) sa MI Sevilla’s Resort, Barangay Domoit, Lucena City, Quezon bandang 9:00 ng umaga nitong Martes, Setyembre 6, 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Major General Rhoderick C Armamento, Acting Commander ng Area Police Command-Southern Luzon, na dinaluhan ng mga Deputy Regional Director for Operations ng Police Regional Office 4A, Police Regional Office 5, at Regional Maritime Unit 4A habang ang Quad Staffs ay virtual na dumalo.
Sa nasabing aktibidad, binigyang-diin sa presentasyon ng kani-kanilang DRDO ang mga plano at programa ng mga nabanggit na Police Regional Office kaugnay sa Peace and Security Program ng C, PNP na M+K+K=K.
Kasunod nito, ipinaliwanag ni PMGen Armamento ang mahigpit na pagsunod sa balangkas ng kapayapaan at seguridad ng lugar sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga tauhan sa mga lansangan upang mas mapaigting ang kampanya laban sa komunistang grupo.
Panulat ni Police Staff Sergeant Donabel Dulin