Camp Alagar, Cagayan de Oro City – Tinatayang Php1,360,000 halaga ng shabu ang nakumpiska sa tatlong suspek sa magkahiwalay na buy-bust operation ng Regional Drug Enforcement Unit (RDEU) 10 sa Cagayan de Oro City nito lamang Setyembre 5 at 6, 2022.
Ayon kay Police Brigadier General Lawrence Coop, Regional Director ng Police Regional Office 10, naaresto si Ferdinand Y. Roa, businessman, sa Bitan-ag Creek, Brgy. 35, Cagayan de Oro City.
Nakumpiska kay Roa ang tatlong heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 100 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng Php680,000 at iba pang drug paraphernalia.
Samantala, naaresto naman ang dalawang suspek na kinilala na sina Virgil O Tabobo alyas “Jay R Abello”, 28, estudyante at isang menor-de-edad, pawang mga residente ng Talakag, Bukidnon at kabilang sa Directorate for Intelligence (DI) watch list sa Manto Drive, Macajalar, Camaman-an, Cagayan de Oro City.
Narekober sa dalawang suspek ang dalawang heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 100 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng Php680,000 at drug paraphernalia.
“I commend the operating unit for the successful conduct of the operation that led to the arrest of the said drug personalities. Let us keep our momentum towards attaining a drug-leared community in this region”, pahayag ni PBGen Coop.
Panulat ni Patrolman Jomhel Tan/RPCADU 10