Dumaguete City, Negros Oriental – Naglunsad ang mga tauhan ng Dumaguete City Police Station ng Community Outreach Program sa Barangay Bajumpandan, Dumaguete City, Negros Oriental nito lamang ika-4 ng Setyembre 2022.
Ang programa ay pinangunahan ni Police Lieutenant Colonel Joeso Parallag, Hepe ng Dumaguete City Police Station katuwang ang mga miyembro ng Dumaguete City Volunteer Enforcers, Redshield Fraternity and Sorority/SUROTC, Rotary Club, at ilan pang mga miyembro ng naturang himpilan.
Sa naturang aktibidad ay masayang ipinamahagi ng grupo ang food packs, school supplies, hygiene kits, at mga sariwang gulay sa mga residente ng naturang barangay.
Lubos naman ang pasasalamat ng mga benepisyaryo sa biyayang kanilang natanggap.
Ang naging hakbangin ng Dumaguete CPS ay naglalayong makapagbigay ng maayos at tapat na serbisyo publiko at upang mapanatili at maipagpatuloy ang maayos na ugnayan na nabuo sa pagitan ng komunidad at ng pambansang pulisya.