Northern Samar – Pinangunahan ng mga tauhan ng Biri Municipal Police Station ang isinagawang Coastal Clean Drive sa Seaport ng Brgy. Poblacion, Biri, Northern Samar noong Linggo, Setyembre 4, 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Chief Master Sergeant Myra A Gatong, MESPO sa ilalim ng pangangasiwa ni Police Lieutenant Alberto E Magloyuan, Officer-In-Charge, katuwang ang LGU ng Biri, Philippine Coast Guard at mga tauhan ng Biri Motorboats Association.
Ang naturang aktibidad ay kaugnay sa pagdiriwang ng ika-28th National Crime Prevention Week na may temang ““Sa New Normal: Sambayanan Magtulungan, Krimen ay Hadlangan Tungo sa Kapayapaan at Kaunlaran” at naaayon sa Chief PNP Peace and Security framework na M+K+K=K, kombinasyon ng Malasakit, Kaayusan, Kapayapaan tungo sa Kaunlaran.
Layunin ng aktibidad na protektahan at pangalagaan ang karagatan sa mga basura na sumisira sa ganda nito.
Panulat ni Patrolwoman Rialyn B Valdez