Tuguegarao City, Cagayan – Pinarangalan ng National Police Commission (NAPOLCOM) at Police Regional Office 2 ang mga Best Community Service Oriented Policing (CSOP) mula sa iba’t ibang himpilan sa buong rehiyon sa naganap na 28th National Crime Prevention Month
Culminating Ceremony nito lamang Lunes, ika-5 ng Setyembre taong kasalukuyan sa Camp Marcelo Adduru, Tuguegarao City, Cagayan.
Naiuwi ng Ilagan City Police Station ang prestisyosong parangal para sa City Level, Solana Police Station sa Municipal Level, at 1st Isabela Provincial Mobile Force Company para sa Mobile Force Company Category.
Kinilala din ang Tuguegarao City Police Station at Ambaguio Police Station bilang Best Women and Children Desk para sa City at Municipal Level.
Bukod pa dito, naging parte din ng programa ang paggawad ng NAPOLCOM Scholar Achievement Award kung saan pinarangalan sina Engr. Tedheus Eigyef F Danao at Alona U Derraco.
Layunin ng CSOP na palakasin ang ugnayan at pagtutulungan ng Local Executives, mamamayan, at mga ahensya ng pamahalaan na nagpapatupad ng batas upang makamit ang isang maunlad at progresibong pamayanan.
Dinaluhan ang aktibidad ng PRO2 Command Group; Atty. Rodrigo P. De Gracia, Municipal Mayor ng Sta. Teresita, Cagayan at dating PRO2 Regional Director na siyang tumayong Panauhing Pandangal; Atty. Manuel L Pontanal, Regional Director ng National Police Commission Region 2; Local Chief Executives; at mga Stakeholders.
Ayon kay Police Brigadier General Steve B Ludan, Regional Director ng Police Regional Office 2, ang Valley Cops ay patuloy na pinapalakas at pinapatatag ang pakikipagtulungan at kooperasyon sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan lalo na sa NAPOLCOM. Nagpasalamat din ito sa hindi matatawarang suporta ng ahensya sa mga proyekto at inisyatibong inilulunsad ng kapulisan sa buong rehiyon.
Samantala, pinuri din ni Police Brigadier General Steve B Ludan ang mga nagkamit ng natatanging parangal. Hinikayat din niya ang lahat ng Valley Cops na patuloy na pagbutihin ang pagtupad sa kanilang sinumpaang tungkulin para sa isang payapa, tahimik, at maunlad na Lambak ng Cagayan.
Source: PRO2 PIO
Panulat ni Police Staff Sergeant Mary Joy D Reyes