Tondo, Manila – Tinatayang Php840,000 halaga ng shabu ang nasabat sa dalawang suspek sa isinagawang joint buy-bust operation ng PNP at PDEA nito lamang Lunes, Setyembre 5, 2022.
Kinilala ni PBGen Narciso D Domingo, Acting Director, PNP DEG, ang mga suspek na sina Bryan Christian Villanueva, 19, residente ng Cadig St. Brgy. Salvacion, La Loma, Quezon City at Michael Alisago Bondoc, 21, residente ng Holy Spirit St., Brgy. Commonwealth, Quezon City.
Ayon kay PBGen Domingo, bandang alas-10:00 ng gabi naaresto ang mga suspek sa kahabaan ng Tomas Mapua St. Corner Cavite St., Brgy 209 Zone 19 District 2 Tondo, Manila ng pinagsanib pwersa ng Special Operations Unit 4A, Philippine Drug Enforcement Agency at Manila Police District Station 7.
Nakumpiska kay Villanueva at Bondoc ang humigit kumulang 7 kilo ng hinihinalang pinatuyong dahon ng Marijuana na may Standard Drug Price na Php840,000, buy-bust money, at isang (1) unit na cellphone.
Samantala, mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang Pambansang Pulisya ng Pilipinas ay patuloy na paiigtingin ang kampanya sa ilegal na droga at anumang uri ng kriminalidad upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa komunidad.
Source: PNP Drug Enforcement Group
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos