Tampakan South Cotabato – Nasa 12,000 na puno ng full grown marijuana na nagkakahalaga ng mahigit 3 Milyong Piso ang nasabat ng Tampakan PNP sa isinagawang marijuana eradication sa bulubunduking bahagi sa boundary ng Brgy. Danlag at Brgy. Tablu, Tampakan, South Cotabato nito lamang Setyembre 4, 2022.
Ayon kay PCol Nathaniel Villegas Provincial Director ng South Cotabato Police Provincial Office, isinagawa ang nasabing operasyon bandang 10:45 ng umaga ng pinagsamang tauhan mula sa PDEA South Cotabato, Tampakan Municipal Police Station, South Cotabato Provincial Drug Enforcement Unit, 1st Coy at 2nd Coy South Cotabato Provincial Mobile Force Company kasama ang dalawang Brgy. Officials ng nasabing lugar.
Ayon pa kay PCol Villegas, pagdating ng grupo sa nasabing lugar ay dito nila natuklasan ang 12,000 full grown marijuana na may tinatayang halaga na Php3,600,000 ngunit hindi pa natukoy kung sino ang nagtanim ng mga ito.
Agad namang binunot at sinunog ng nasabing grupo ang mga punong marijuana upang ito ay hindi na mapakinabangan at makarating sa mga komunidad ng Tampakan at iba pang mga lugar sa South Cotabato.
Panulat ni Pat Gio Batungbacal