Laua-an, Antique – Pinangunahan ng mga tauhan ng Laua-an Municipal Police Station ang pagsasagawa ng Community Outreach Program sa pamamagitan ng feeding program nitong ika-4 ng Setyembre, 2022 sa Brgy. Liyaliya, Laua-an, Antique.
Nanguna si Police Captain Bryan I Alamo, Chief of Police ng Laua-an MPS, katuwang ang Popcom Officer ng Laua-an, PWUDs at iba pang mga stakeholders sa pamamahagi ng pagkain sa 50 na kabataan na dumalo sa nasabing programa.
Layunin ng aktibidad na tuloy-tuloy na pagtibayin ang ugnayan ng Pambansang Pulisya at ng komunidad tungo sa pangmatagalang kapayapaan at sa pagpapanatili ng kaayusan sa buong bayan.
Tiniyak naman ni PCpt Alamo na ipagpapatuloy ng Laua-an PNP ang pagpapatupad ng iba’t ibang programa na tiyak na nakakatulong sa mga marginalized sectors partikular na sa mga kabataang mas nangangailangan sa kanilang bayan.