Ilocos Norte – Isinagawa ang pagbubukas ng Basic Explosives Ordnance Disposal Course Class 51-2022 sa Multi-Purpose Building ng Ilocos Norte Police Provincial Office nito lamang Miyerkules ika-2 ng Setyembre 2022.
Ang seremonya ay pinangunahan ni Police Colonel Julius C Suriben, Acting Provincial Director, INPPO na dinaluhan ni Police Brigadier General Ulysses G Cruz, Acting Director, PNP-EOD/K9 Group.
Ayon kay Police Colonel Julius C Suriben, mahigit 100 ang kalahok mula PNP SWAT Ilocos Norte PPO, Armed Forces of the Philippines na nakabase sa Ilocos Norte at ilang miyembro ng Bureau of Fire and Protection ng lalawigan.
Ayon pa kay Police Colonel Suriben, ang pagsasanay na ito ay disenyo para sa 78-araw o 624-oras na kurso upang matulungan ang PNP sa pagtugon sa mga kontemporaryong alalahanin na kinakaharap ng bansa tungkol sa terorismo at kriminalidad.
Ayon pa kay Police Colonel Suriben, “ang pagbubukas ng naturang Training Course ay isinasaalang-alang na karamihan sa mga tauhan ng Ilocos Norte PPO na nakatalaga sa PNP EOD/K9 Group ay hindi sumailalim sa nasabing kurso, partikular na ang mga Police Officers na naka-deploy bilang Supervisors at Team Leaders sa ground”, dagdag nito.
Ang pagkakaroon ng ganitong training course ay makakatulong upang mapahusay ang kanilang kakayahan at pagbutihin ang kanilang mga kasanayan at pagiging dalubhasa sa teknikal na pagharap sa Improvised Explosive Devices (IEDs), Unexploded Ordnance (UXOs) at Explosive Related Incidents (ERIs).
Source: Ilocos Norte PPO
Panulat ni PSSg Lhenee B Valerio