Davao del Sur – Arestado ang isang lalaki sa PNP checkpoint na isinasagawa ng tauhan ng Digos City Police Station dahil sa pagdadala ng ilegal na baril at droga sa Balutakay Quarantine Checkpoint, Brgy. San Jose, Digos City, Davao del Sur, noong Setyembre 4, 2022.
Kinilala ni PLtCol Hamlet Lerios, Acting Chief of Police ng Digos CPS, ang suspek na si alyas “Elvin”, 35, residente ng Prk. Daisy, Brgy. San Isidro, Kiblawan, Davao del Sur.
Ayon kay PLtCol Lerios, naaresto ang suspek matapos dumaan sa checkpoint ng Digos CPS at makitaan ng caliber .45 na baril na may kasamang tatlong magazine at 31 pirasong bala.
Dagdag pa ni PLtCol Lerios, nakuha rin mula sa suspek ang ilang pakete ng hinihinalang shabu na may bigat na humigit kumulang 4.30 gramo na may street market value na Php64,500.
Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Muli namang nagpaalala ang PNP na huwag magdala ng baril ng walang kaukulang dokumento dahil ito ay labag sa batas at may katapat na kaparusahan.
Panulat ni Patrolman Alfred Vergara