Quezon, Palawan – Nagsagawa ng Coastal Clean-Up Drive ang mga tauhan ng Quezon Municipal Police Station sa baybayin ng Sitio Bliss, Barangay Alfonso XIII, Quezon, Palawan nito lamang Setyembre 4, 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng Quezon Municipal Police Station, kasama ang mga tauhan ng Maritime Special Operation Unit, Philippine Coast Guard, Commando Brotherhood – Quezon, Alpha Kappa Rho Fraternity at mga residente ng Barangay Alfonso XIII Quezon.
Ayon kay Police Major Bernard Dela Rosa, Acting Chief of Police ng Quezon Municipal Police Station nagsagawa ng Coastal Clean-up drive ang mga grupo upang mabawasan ang mga kalat at basura sa baybayin ng nasabing barangay.
Hinihikayat naman ng PNP ang mga mamamayan na patuloy na pangalagaan at protektahan ang kalikasan upang mapanatili ang kalinisan, kagandahan at kaayusan ng kapaligiran.
Source: Quezon MPS
Panulat ni Police Corporal Gerald Manlincon