Ambaguio, Nueva Vizcaya – Nagpaabot ng tulong pinansyal ang mga tauhan ng Ambaguio Police Station sa isang ginang na may malubhang karamdaman bilang bahagi ng kanilang programang Project L.I.F.E. sa Poblacion, Ambaguio, Nueva Vizcaya nitong Huwebes, Setyembre 1, 2022.
Ayon kay Police Major Randy Joseph E Carbonel, Hepe ng Ambaguio Police Station, ang Project L.I.F.E. o Let us Initiate Fund-raising to Empower Ambaguionians ay proyekto ng naturang istasyon na naglalayong makatulong sa mga taong lubos na nangangailangan.
Nakalikom ng Php45,000 ang naturang istasyon sa tulong at suporta ng Nueva Vizcaya Provincial Mobile Force Company (PMFC), Bureau of Fire Protection, 54th IB and 86th IB, 5ID, Philippine Army, DepEd personnel ng Ambaguio, at Kabataan Kontra Droga at Terorismo officers.
Ang naging benepisyaryo nito ay si Ginang Mildred Gatchalian na residente ng Poblacion, Ambaguio Nueva Vizcaya na may malubhang karamdaman.
Pasasalamat ang nasambit ng pamilya ng benepisyaryo sa malaking tulong na ipinaabot at naipadama ng grupo sa malasakit na nagbigay ng pag-asa kay Ginang Gatchalian at sa kanyang pamilya.
Source: Ambaguio PS
Panulat ni Police Corporal Carla Mae P Canapi