Panglao, Bohol – Arestado ang Top 4 Most Wanted Person (Municipal Level) sa kasong Frustrated Murder sa isinagawang joint operation ng Gitagum PNP at Pangalo PNP nito lamang Miyerkules, Agosto 31, 2022.
Kinilala ni Police Major Dennis Cerilla, Officer-In-Charge ng Gitagum Municipal Police Station, ang suspek na si Heremias Buntag Yane, 50 at residente ng Purok 7 Barangay Libaong, Panglao, Bohol.
Ayon kay PMaj Cerilla, nadakip ang suspek bandang 10:30 ng umaga sa Purok 7 Brgy. Libaong, Panglao, Bohol ng mga tauhan ng Gitagum Municipal Police Station, Pangalo Municipal Police Station at 702nd Maneuver Company ng Regional Mobile Force Company 7 sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Frustrated Murder na may inirekomendang piyansa na Php200,000.
Ang Pambansang Pulisya ay patuloy na paiigtingin ang kampanya laban sa kriminalidad para sa tahimik na pamayanan.
Patrolman Joshua Fajardo/RPCADU 10