Candijay, Bohol – Nagsagawa ng Mobile Community Outreach Program ang mga tauhan ng Candijay Municipal Police Station sa Barangay Tugas, Candijay, Bohol nito lamang ika-3 ng Setyembre 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga tauhan ng Candijay MPS na pinangasiwaan ni Police Major Gerald Ampo Luna, Chief of Police ng naturang istasyon na siya namang inisponsoran ng Local Government Unit ng Candijay, Bohol.
Ipinamahagi sa mahigit 40 na bata at residente mula sa Barangay Tugas ang lugaw at tinapay.
Samantala, namahagi rin ng libreng facemask at nagkaroon ng maikling dayalogo patungkol sa Crime Prevention, Anti-VAWC at Anti-Child Abuse.
Ang nasabing aktibidad ay alinsunod at pakikiisa sa ika-122nd Civil Service Anniversary at National Crime Prevention Week.
Layunin ng Candijay PNP na makapagbigay ng tulong sa kanilang mga residente upang mapatibay ang naumpisahan na magandang ugnayan ng komunidad at ng Pambansang Pulisya.