Zamboanga City – Isinuko ng isang concerned citizen ang isang loose firearm sa mga tauhan ng Zamboanga City Police Office-Station 11 sa Gov. Lim Ave., Zamboanga City nito lamang Biyernes, Setyembre 2, 2022.
Ayon kay Police Colonel Alexander Lorenzo, Acting City Director ng Zamboanga City Police Office, ang isinukong baril ay pagmamay-ari ni Mr. Saripul Hadjala Ibbo, residente ng A-196 Campo Islam, Zamboanga City.
Ayon pa kay PCol Lorenzo, ang naturang baril ay isang yunit ng Calibre .45 pistol na may markang “SAM” na may Serial No. na Dff451012 at walang legal na dokumento.
Ang Pambansang Pulisya ay patuloy sa mandato na ipatupad ang batas at siguraduhin ang kaligtasan ng mamamayan.
Panulat ni Patrolman John Ronald Tumonong/RPCADU 9