Inumpisahan na ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang livelihood training program para sa 23 pulis ng Nueva Vizcaya.
Sumailalim sa Mushroom Cultivation with Introduction to Food Processing ang mga kapulisan ng Nueva Vizcaya Provincial Police Office sa Bueno Integrated Farm sa Barangay Bagahabag, Solano, Nueva Vizcaya.
Nagbahagi ng kanilang kaalaman sina Mr. Rudie Bueno, may-ari ng Bueno Integrated Farm; Dra. Susana Usingat, Retired Professor ng Nueva Vizcaya State University; at Ms. Maricel Taplan, Mushroom Grower/Processor.
Ang naturang programa ay bahagi ng kasunduan sa pagitan ng PNP at TESDA na naglalayong linangin at paghusayin ang kakayahan at kaalaman ng mga kapulisan upang maituro nila ito sa komunidad at magkaroon sila ng pangkabuhayan.
###
Panulat ni: Police Corporal Carla Mae P Canapi
Dagdag kaalaman para makatulong sa bayan. Mabuhay PNP