Tejeros, Makati City – Arestado ang dalawang miyembro ng Aya Criminal Group sa isinagawang joint operation ng CIDG at Makati PNP nito lamang Huwebes, Setyembre 1, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Kirby John B Kraft, Acting District Director ng Southern Police District, ang mga suspek na sina Mark Joseph Tablan, 28 at Sittie Diamon Taurac y Anacta, 26.
Ayon kay PCol Kraft, bandang 10:00 ng gabi naaresto sina Tablan at Taurac sa #4389 Montojo Street, Barangay Tejeros, Makati City sa pinagsanib puwersa ng CIDG-SMMDFU, Poblacion Sub-station ng Makati CPS at DMFB-SPD.
Ayon pa kay PCol Kraft, ang mga suspek ay inaresto matapos mang-hack ng social media account ng isang Anie Montillia Durango at gumamit ng sensitibong impormasyon para mang-blackmail at mangikil ng pera mula sa biktima.
Ibinunyag din ng Probers na ang mga suspek ay miyembro ng Aya Criminal Group na kilalang sangkot sa mga aktibidad ng pandaraya at scamming na kumikilos sa Southern part ng Metro Manila.
Paglabag sa Article 293 (Robbery Extortion), Article 286 (Grave Coercion), Article 282 (Grave Threats) at RA 9995 (Anti-Photo and Video Voyeurism Act) ang isinampa laban sa mga naarestong suspek.
“Ipagpapatuloy natin ang pagsisikap ng Southern Police District sa pagpuksa sa lahat ng uri ng krimen na nagbabanta sa kaligtasan ng komunidad maging sa cyberspace. Pinupuri ko ang mga operating team at ipagpatuloy ninyo ito,” ani PCol Kraft.
Source: SPD PIO
Panulat ni PSSg Remelin Gargantos