Zamboanga City – Arestado ang isang lalaki sa isinagawang Oplan Pagtugis ng Criminal Investigation and Detection Group – Zamboanga City Field Unit at Zamboanga City PNP sa Purok 7, Brgy. Zambowood, Zamboanga City nito lamang Huwebes, Setyembre 1, 2022.
Kinilala ni Police Colonel John Francis Encinareal, Regional Chief ng Criminal Investigation and Detection Group 9, ang suspek na si Reyniel Macaranas y Belinario, 18, residente ng Purok 7, Brgy. Zambowood, Zamboanga City.
Ayon kay PCol Encinareal, bandang 10:50 ng umaga nang naaresto ang suspek ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group-Zamboanga City Field Unit at Zamboanga City Police Office-Station 5 sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Rape na walang inirekomendang piyansa.
Ang Pambansang Pulisya ay patuloy sa mandato na ipatupad ang batas at siguraduhin ang kaligtasan ng mamamayan.
Panulat ni Patrolman John Ronald Tumonong/RPCADU 9