San Francisco, Agusan del Sur – Nagsagawa ng Barangay Tanod Enhancement Training and Seminar ang San Francisco PNP at PNP Special Action Force sa Brgy. San Francisco, Agusan del Sur nito lamang Biyernes, Setyembre 2, 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga tauhan ng San Francisco Municipal Police Station na pinamumunuan ni Police Lieutenant Colonel Nathaniel Agatep, Officer-In-Charge.
Nasa 243 miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) galing sa 27 na Barangay ang naturuan ng Handcuffing Techniques.
Sumuporta rin ang 11th Special Action Company, 1st Special Action Battalion, PNP-SAF na pinangunahan naman ni Police Master Sergeant Arjimin Turo kasama si Mr. Roberto Sion ng Municipal Local Government Operations Officer (MLGOO) ng San Francisco.
Ang PNP ay patuloy sa pagsasagawa ng mga aktibidad o programa na makakatulong sa mas ligtas at maayos na pamumuhay ng mga mamamayan.
Panulat ni Patrolman Jhunel Cadapan/RCPADU13