Camp Crame, Quezon City — Nagsagawa ng Extended Brigada Eskwela ang mga tauhan ng Police Community Affairs and Development Group sa pangunguna ng kanilang Director na si Police Colonel Patrick Joseph Allan nito lamang Biyernes, Setyembre 2, 2022 sa Camp Crame High School, Camp BGen Rafael T Crame, Quezon City.
Bukod sa paglilinis sa naturang paaralan, naghandog din ng 4,000 pirasong facemasks at 150 bottled spray alcohol ang pulisya sa mga estudyante.
Nakipagtulungan din sa nasabing aktibidad ang mga HSS personnel, mga street sweepers, guro at principal ng paaralan.
Natapos ang aktibidad sa isang maikling programa at pasasalamat ng mga estudyante sa PNP at sa kanilang mga kasamahan.
Ang extension na ito ng Brigada Eskwela ay naaayon sa isinusulong ngayon ng Pambasang Pulisya ng Pilipinas na programang M+K+K=K na ang ibig sabihin ay Malasakit+Kaayusan+Kapayapaan=Kaunlaran, kung saan ang aktibidad na ito ay naaangkop sa malasakit ng PNP sa mga estudyante, kaayusan sa pamamagitan ng paglilinis, at kapayapaan ng bawat isa sa pag-usbong ng mahigpit na ugnayan na magreresulta naman sa kaunlaran ng estudyante sa kanilang pag-aaral at kinabukasan.