Loboc, Bohol – Nagsagawa ng Feeding Program ang mga tauhan ng Loboc PNP sa mga mag-aaral ng Antonio Felipa Elementary School, Barangay Valladolid, Loboc, Bohol nito lamang Miyerkules, Agosto 31, 2022.
Ang programa ay pinangunahan ni Police Chief Master Sergeant Alvin D Gam, PCR PNCO sa direktang pangangasiwa ni Police Lieutenant Camilo Muaña Estrera Jr, Chief of Police katuwang ang PNP FTP Batch KILAS.
Lubos ang pasasalamat at laking tuwa ng mga guro at mag-aaral dahil sa handog na pagkain sa kanila ng mga kawani ng Loboc Municipal Police Station.
Ang Loboc PNP ay patuloy na magsusulong ng mga programang makakatulong sa pagkakaroon ng malusog at masiglang pangangatawan ng mga mag-aaral upang lalo silang ganahan sa pag-aaral.
Panulat ni Patrolwoman Jenilyn Consul