Conception Uno, Marikina City – Nagsagawa ng Medikal Mission ang mga tauhan ng 2nd Mobile Force Company ng Regional Mobile Force Battalion ng NCRPO sa Barangay Concepcion Uno, Marikina City nito lamang Miyerkules, Agosto 31, 2022.
Ang aktibidad ay inisyatiba ng 2nd MFC-PCR personnel sa pangunguna ni Police Major Federico Halog Jr, Company Commander at gabay ni Police Colonel Jonathan G Calixto, Force Commander ng RMFB.
Ang mga benepisyaryo ay kinabibilangan ng mga tricycle driver ng CMTODAI kung saan ay kinuhanan sila ng blood pressure, nabigyan ng facemask, at vitamin C tablets.
Ang aktibidad na ito ay naglalayong paalalahanan ang komunidad na panatilihin ang kanilang malusog na pamumuhay at makakaasa sila na ang PNP ay handang tumulong maging sa isyu ng pangkalusugan.
Source: RMFB NCRPO
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos