Southern Leyte – Nagsagawa ang mga tauhan ng 1st Southern Leyte Provincial Mobile Force Company ng Community Outreach Program sa Barangay Pamigsian, Bontoc, Southern Leyte nito lamang Martes, Agosto 30, 2022.
Ang programa ay pinangunahan ni Police Lieutenant Colonel Geraldo Benjamin A Avegonza, Force Commander ng 1st Southern Leyte PMFC kasama ang Community Affairs Section Team sa pangunguna naman ni Police Chief Master Sergeant Elmer L Castillon, CAS, PNCO.
Ang aktibidad ay matagumpay na naisagawa sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng gupit at libreng blood pressure check-up.
Samantala, nagsagawa naman ng Lokal Serbisyo Caravan at Grand Pulong-Pulong para sa Bontoc RCSP Focus Barangay.
Layunin ng aktibidad na pagsama-samahin ang pagsisikap ng mga Local Government Units, National Government Agencies at iba’t ibang sektor upang mailapit ang mga serbisyo sa mga tao at maisulong ang mabuting pamamahala.
Dumalo rin sa nasabing aktibidad ang LGU Bontoc sa pamumuno ni Hon. Noel Alinsub, Municipal Mayor, Regional Health Unit, MSWD, LCR, DA, MTO, MDRRM, BFP, TESDA, DOLE, PSA, LTO, 14th IB, PA, Bontoc MPS at mga barangay officials at residente ng Barangay Olisihan at Pamigsian, Bontoc, Southern Leyte.
Ang Pambansang Pulisya ay patuloy sa pagbibigay ng magandang serbisyo sa mga mamamayan upang mapagtibay ang ugnayan ng PNP at komunidad.
Panulat ni Patrolwoman Rialyn B Valdez