Nagpahayag ang Valley Cops na sila ay handa na sa pagpasok ng Super Typhoon “Henry” sa bansa sa pamamagitan ng isang Virtual Showdown Inspection ng kanilang mga miyembro at kagamitan na ginanap nito lamang Miyerkules, Agosto 31, 2022 sa Camp Marcelo A Adduru, Tuguegarao City, Cagayan.
Pinangunahan ni Police General Rodolfo S Azurin Jr., Chief, Philippine National Police ang nasabing aktibidad at nilahukan ng lahat ng mga Police Regional Offices sa buong bansa.
Iprinisinta ni Police Colonel Mario P Malana, Chief ng Regional Community Affairs and Development Division 2 (RCADD 2) ang mga ginagawang hakbangin ng Valley Cops bilang paghahanda sa posibleng mga maging epekto ng papasok na bagyo sa rehiyon kasama ng kanilang Reactionary Standby Support Force (RSSF) at Search, Rescue and Retrieval (SRR)
Equipment.
Ayon pa kay PCol Malana, nagsagawa na din ang kanilang hanay ng Oplan Tambuli upang magbigay impormasyon at gabay sa mga mamamayan sa iba’t ibang bayan sa Lambak ng Cagayan lalo na sa mga mababang lugar at coastal barangays.
Bukod pa dito, inalerto na din ni Police Brigadier General Steve B Ludan, Regional Director ang lahat ng kapulisan ng Police Regional Office 2 at handa na silang rumesponde anumang oras na kailanganin ang kanilang serbisyo.
Hinikayat din ni RD Ludan ang mga mamamayan sa buong rehiyon na makipagtulungan sa Pambansang Pulisya at sa mga awtoridad.
Source: Police Regional Office 2
Panulat ni Police Staff Sergeant Mary Joy D Reyes