Malaybalay City, Bukidnon – Inilunsad ang KASIMBAYANAN o Kapulisan, Simbahan at Pamayanan ng Police Regional Office 10 na ginanap sa Grandstand, Camp Captain Ramon Onahon, Malaybalay City, Bukidnon nito lamang Martes, Agosto 30, 2022.
Sa pangunguna nina Police Colonel Jun Mark Lagare, Provincial Director ng Bukidnon Police Provincial Office; Police Colonel Henry Dampal, Chief, Regional Community Affairs and Development Division 10; Police Lieutenant Colonel Charlie Vete, at Officer-In-Charge, Regional Police Community Affairs and Development Unit 10.
Dumalo sa nasabing aktibidad ang iba’t ibang Religious Leader at Local Government Unit ng nasabing probinsya.
Tinalakay ni NUP Sheena Lyn Palconite, Supervisor, RPCADU 10, ang peace at security framework ng Ama ng Pambansang Pulisya na si Police General Rodolfo S. Azurin Jr. ang M+K+K=K o ang Malasakit + Kapayapaan + Kaayusan = Kaunlaran at KASIMBAYANAN.
Layunin ng aktibidad na magkaroon ng payapa at progresibong pamayanan sa pakikipagtulungan ng PNP, Religious Sector at Komunidad.
Panulat ni Patrolman Edwin Baris/RPCADU 10