Tuguegarao City, Cagayan – Ginunita ng Valley Cops ang Araw ng mga Bayan sa pamamagitan ng isang simpleng programa na ginanap sa Camp Marcelo A Adduru, Tuguegarao City, Cagayan nito lamang Lunes, ika-29 ng Agosto taong kasalukuyan.
Pinangunahan ang pagdiriwang ni Police Brigadier General Steve B Ludan, Regional Director ng Police Regional Office 2 at dinaluhan ng PRO2 Command Group, Regional Staff, Police Non-Commissioned Officers at Non-Uniformed Personnel ng rehiyon.
Samantala, ibinahagi ni PBGen Ludan ang mensahe ni Police General Rodolfo S Azurin Jr., Chief, Philippine National Police kung saan binigyan diin niya ang M+K+K=K peace and security framework o ang “Malasakit, Kaayusan at Kapayapaan tungo sa Kaunlaran”.
Nagkaroon din ng wreath laying ceremony sa PRO2 Heroes Memorial Headstone upang magbigay pugay sa mga bayaning pulis na nag-alay ng kanilang buhay sa pagtupad ng kanilang tungkulin sa bayan.
Sinundan ito ng gun salute at sounding of taps na tradisyon ng Pambansang Pulisya bilang pagkilala sa tapang at katatagan ng mga bayani.
Source: PRO2 PIO
Panulat ni Police Staff Sergeant Mary Joy D Reyes