Calamba City – Nakiisa ang Police Regional Office 4A sa pagdiriwang ng “Araw ng mga Bayani” na ginanap sa PRO 4A Grandstand, Camp BGen Vicente P Lim, Calamba City nito lamang Lunes, Agosto 29, 2022.
Ang naturang programa ay pinangunahan ni Police Brigadier Jose Melencio C Nartatez Jr., Regional Director, kasama ang Command Group, Regional Staff, National Support Units, at lahat ng tauhan ng Regional Headquarters ng PRO 4A.
Nagkaroon ng seremonya ng Wreath-laying at pagpupugay bilang pag- alala at pagkilala sa mga sakripisyo at kabayanihan ng lahat ng mga bayani upang makamit ang kalayaan ng bansa.
Bukod dito, pinarangalan din ni RD, PRO 4A ng Medalya ng Kadalikaan at Medalya ng Kagalingan ang ibang tauhan ng rehiyon bilang pagkilala sa kanilang kabayanihan at katapangan tungo sa tagumpay na anti-criminality at anti-illegal drugs campaign.
Hinikayat din ni RD, PRO 4A ang mga pulisya na lalo pang paigtingin ang mga kampanya laban sa kriminalidad, ilegal na droga at insurhensya sa rehiyon para sa mas ligtas, tahimik at maayos na pamayanan.
Source: Police Regional Office 4A
Panulat ni Police Staff Sergeant Donabel Dulin