Occidental Mindoro – Isang dating rebelde ang nagsuko ng dalawang rifle grenade sa mga tauhan ng Provincial Intelligence Unit ng Occidental Mindoro Police Provincial Office sa Brgy. San Roque, San Jose, Occidental Mindoro nito lamang Agosto 28, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Jun Dexter Danao, Officer-In-Charge ng Occidental Mindoro Police Provincial Office, na si “Ka Villa”, dating miyembro ng Komiteng Larangang Guerilla na nagbalik-loob sa pamahalaan at nagsuko ng dalawang rifle grenade.
Ayon kay PCol Danao, isinuko ni “Ka Villa” ang dalawang rifle grenade sa mga tauhan ng Provincial Intelligence Unit ng Occidental Mindoro Police Provincial Office kasama ang 1st Occidental Mindoro Provincial Mobile Force Company, 4th IB at 68th IB Philippine Army, at Magsaysay Municipal Police Station.
Ayon pa kay PCol Danao, ito ay bunga ng palaging pagbisita sa komunidad at pakikipagtulungan sa panghihikayat sa mga rebelde na magbalik-loob sa ating pamahalaan.
Dagdag pa ni PCol Danao, ang isinukong rifle grenade ay kasalukuyang nasa pangangalaga ng Provincial Intelligence Unit ng Occidental Mindoro PPO para gawan ng dokumentasyon at iproseso upang magkaroon ng katumbas na benepisyong hatid ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) mula sa ating gobyerno.
Ito ang resulta ng patuloy na isinasagawang pagpapalakas ng ugnayan sa komunidad at information gathering mula sa mamamayan at bunsod na rin ng direktiba mula sa Officer-In-Charge ng Occidental Mindoro Police Provincial Office, PCol Jun Dexter Danao na lalo pang pag-ibayuhin ang paglaban sa insurhensiya at terorismo sa lalawigan ng Occidental Mindoro.
Source: Occidental Mindoro Police Provincial office
Panulat ni Patrolman Joebet Balana