Isabela – Nagsagawa ng Community Outreach Program ang 1st Isabela Provincial Mobile Force Company (PMFC) sa Brgy. Turod, Reina Mercedes, Isabela nito lamang Sabado, Agosto 27, 2022.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Jeffrey D Raposas, Force Commander ng 1st Isabela PMFC, ang aktibidad ay tinawag nilang “Project Iscort” o Isabela PMFC Service Caravan: Outreach and Reaching ouT.
Ang mga benepisyaryo ng naturang aktibidad ay nakatanggap ng food packs, grocery items, bagong pares ng tsinelas, mga libro, at mga seedlings ng iba’t ibang klaseng gulay.
Maliban dito, nagkaroon din ng Feeding Program, Medical at Dental Mission, Libreng Tuli, at Brigada Eskwela.
Samantala, pinasalamatan naman ni PLtCol Raposas ang lahat ng mga tumulong sa kanilang hanay upang maging posible ang ginawa nilang pagtulong sa mga mamamayan ng Reina Mercedes.
Dagdag pa niya, hindi titigil ang kanilang hanay na abutin ang mga kasuluk-sulukang sitio at barangay sa kanilang nasasakupan upang sila ay mahandugan ng tulong at maipadama sa kanila ang malasakit at serbisyo ng gobyerno.
Source: 1st Isabela PMFC
###
Panulat ni Police Staff Sergeant Mary Joy D Reyes