Nagcarlan, Laguna – Nagsagawa ng Men Opposed to Violence Against Women Everywhere (MOVE) Orientation/Seminar ang Nagcarlan PNP sa Brgy. Alumbrado, Nagcarlan, Laguna nito lamang Agosto 27, 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga tauhan ng Nagcarlan Municipal Police Station sa direktang pangangasiwa ni Police Major Marlon Calonge, Acting Chief of Police.
Nasa 20 ang lumahok mula sa mga Barangay Officials at Cluster Leaders.
Tinalakay sa Lecture ang mga batas at importanteng tungkulin at responsibilidad ng mga kalalakihan sa pagsugpo ng pang-aabuso at maitaguyod ang kaligtasan ng mga bata at kababaihan.
Source: Nagcarlan Municipal Police Station
###
Panulat ni Police Staff Sergeant Donabel Dulin