Lingayen, Pangasinan – Arestado ng mga operatiba ng Lingayen Police Station ang isang Wanted Person dahil sa patong-patong na kaso sa Sitio Aliguas, Brgy. Libsong East, Lingayen, Pangasinan nitong ika-27 ng Agosto, 2022.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Wilmer L. Pagaduan, Hepe ng Lingayen Police Station, ang suspect na si Aldrin Cacapit y Cruz, 45, residente ng Aurora St. Villa Sta Barbara, Minien West, Santa Barbara, Pangasinan.
Ayon kay PLtCol Pagaduan, naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Multiple Physical Injuries ngunit habang inaaresto ang suspek ay nakitaan ito ng 40 piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na may lamang white crystalline substance.
Nakumpiska rin mula sa suspek ang siyam na pirasong nakabalot ng tape na may laman ding white crystalline substance na may bigat na 39 grams at estimated value na Php265,200.
Kasama sa mga nakumpiska ang isang improvised tooter, isang digital weighing scale, isang gunting, apat na hindi pa nagagamit na plastic sachet, apat na cricket lighter, isang Magnum 357 na may anim na bala, isang detached plate number 833 ACX at isang Yamaha NMAX motorcycle na walang plate number na nakakabit.
Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Ang pagkakaaresto sa suspek ay tanda ng epektibong pagganap ng mga miyembro ng Philippine National Police ng kanilang mga tungkulin upang mabigyan ang mga mamamayan ng mas ligtas at mas payapang komunidad.
Source: Lingayen PS
###
Panulat ni PSSg Bader Ceasar Ayco