Panganiban, Catanduanes – Nagsagawa ng Feeding Program ang mga tauhan ng Catanduanes 2nd Provincial Mobile Force Company, 2nd Maneuver Platoon sa mga mag-aaral ng Burabod Elementary School nito lamang Biyernes, Agosto 26, 2022.
Sa pangunguna ni Patrolman Meljun A Ablaneda, Police Community Affairs and Development PNCO at sa ilalim ng pamumuno ni Police Lieutenant Mark Anthony A Eusebio, 2nd Maneuver Platoon Leader ay naghandog ng simpleng meryenda na tuna sandwich at packed juice ang nasabing grupo sa mga guro at sa humigit kumulang 60 na mga estudyante ng nasabing paaralan.
Bukod pa dito ay nagkaroon din ng diyalogo patungkol sa ligtas na balik-eskwela na naglalayong mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga guro, magulang at mga mag-aaral para sa tiyak na maayos at matiwasay na pagpasok sa paaralan.
Ang Pambansang Pulisya ay patuloy na magsusulong ng mga programang makakatulong sa pagkakaroon ng malusog at masiglang pangangatawan ng mga kabataan upang lalo silang ganahan na mag-aral ng mabuti na isa sa instrumento sa pag-abot ng kanilang mga pangarap.
Source: Burabod Detachment
###
Panulat ni PCpl Angelli Torrecampo