Itinalaga ni Pangulong Rodrigo R. Duterte si dating spokesman Police Lieutenant General Dionardo Bernardo Carlos bilang ika-27 Chief of the Philippine National Police na papalit kay PNP Chief, Police General Guillermo Lorenzo T. Eleazar na nakatakdang magretiro sa Biyernes, Nobyembre 12.
Sa kanyang pahayag, hinimok ni Eleazar ang 222,000-strong PNP na suportahan ang bagong liderato sa ilalim ni PLtGen Carlos.
Si Carlos ay kabilang sa Philippine Military Academy “Maringal” Class 1988 at kasalukuyang nanunungkulan bilang The Chief of Directorial Staff under Eleazar, ang ika-apat (4) sa pinakamataas na posisyon ng PNP.
Bago pa man itanghal na PNP Chief, si PLtGen Carlos ay naging Director for Integrated Police Operations (DIPO) in Visayas, The Director for Police Community Relations (DPCR), Director for Information and Communication Technology Management (DICTM), Director of the Highway Patrol Group, Director of the Aviation Security Group, Regional Director of Police Regional Office 8, at Provincial Director ng Police Provincial Offices sa Negros Oriental at Quezon province.
Nanungkulan din siya bilang hepe ng PNP Public Information Office at PNP Spokesperson ng National Headquarters; Chief Regional PIO ng NCRPO; at staff function sa Center for Police Strategy Management (CPSM) at Office of the Chief PNP.
Siya ay lubos na sinanay sa mga espesyal na operasyon ng pulisya partikular sa crisis management and response, urban counter-revolutionary warfare, counter-hijacking, explosive ordnance disposal, VIP security and anti-terrorist operations.
Si PLtGen Carlos ay nagtapos ng dalawang (2) Master’s Degrees in Management mula sa Asian Institute of Management (AIM) at Philippine Christian University (PCU).
Siya ay nakatatandang kapatid ni Rear Admiral Alberto Carlos ng Philippine Navy; at nag-iisang magulang sa mga anak na sina Samuel, 24, at Eliana Nicole, 18.
######