Tejeros, Makati City – Tinatayang nasa Php2,720,000 milyong halaga ng shabu ang nasabat sa dalawang High Value Individuals (HVIs) sa isinagawang buy-bust operation ng Makati City Police Station nito lamang Huwebes, Agosto 25, 2022.
Kinilala sila ni Police Colonel Kirby John B Kraft, Acting District Director ang mga suspek na sina Francedy Jamito y Bamba alyas “Nemia”, construction worker, 20, at Dianne Harina y Sagun alyas “Inday”, 36.
Ayon kay PCol Kraft, naaresto sina Jamito at Harina bandang alas-4:00 ng hapon sa Yague St. Barangay Tejeros, Makati City ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit ng Makati CPS.
Nakumpiska sa mga suspek ang isang heat-sealed at anim na knot-tied transparent plastic na naglalaman ng puting crystalline substance na hinihinalang shabu na may timbang na 400 gramo na may Standard Drug Price na Php2,720,000, isang Php1,000 na buy-bust money, 159 piraso ng Php1000 bilang boodle money, isang puting sobre at isang asul na eco bag.
Sasampahan ang mga suspek ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Pinuri ng PCol Kraft ang mga operatiba ng Makati sa matagumpay na pagsasagawa ng buy-bust operation. Aniya, “This is an active approach in our campaign against illegal drugs. Ang mas mataas na bilang ng mga operasyon ng pulisya ay nangangahulugan na ang aming intelligence gathering ay malakas. Ang nag-aalalang mamamayan ay ganap at aktibong nakikipagtulungan din. Sana ay magsilbing babala ito sa mga sangkot sa ilegal na negosyong ito na pinasigla ng Southern Metro Police ang pagsisikap na pigilan ang demand at supply ng ilegal na droga,”.
Source: SPD PIO
###
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos