Tacloban City – Tinatayang nasa Php500,000 halaga ng shabu ang nasabat sa isinagawang buy-bust operation ng Tacloban City Police Office Drug Enforcement Unit at Philippine Drug Enforcement Agency 8 kasama ang intelligence-driven aid ng City Intelligence Unit sa Barangay 6, Magsaysay Blvd, Tacloban City nito lamang Miyerkules, Agosto 24, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Michael P Palermo, Acting City Director ng Tacloban City Police Office, ang naaresto na si alyas “Manok”, 29, lending collector, residente ng Barangay 43-B, Quarry District, Tacloban City at isang High Value Target.
Ayon kay PCol Palermo, nakumpiska at narekober mula sa suspek ang isang sachet ng hinihinalang shabu na may tinatayang halaga na Php500,000, isang unit ng .38 Caliber revolver baril na kargado ng apat na live ammunitions, isang limang-daang piso bill na ginamit bilang buy-bust money, 39 na piraso ng 500 peso bill at 80 na piraso ng 1,000 peso bill na photocopied boodle money at isang motorsiklo.
Nahaharap ang naarestong suspek sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Mensahe ni PCol Palermo, “Asahan ang mas mahigpit na pagpapatuloy ng mga operasyon ng pulisya sa pagsugpo sa banta ng ilegal na droga dahil ito ang ating pangunahing layunin upang mapanatiling ligtas at secure ang mga mamamayan ng Tacloban City”.
###
Panulat ni Patrolwoman Rialyn B Valdez