Magsaysay, Occidental Mindoro – Isinuko ng isang dating rebelde ang bala ng M203 (40mm) sa Magsaysay PNP sa Magsaysay, Occidental Mindoro noong Agosto 24, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Jun Dexter Danao, Officer-In-Charge ng Occidental Mindoro Police Provincial Office, ang nagsuko na si “Ka Joel” dating miyembro ng Platoon Falcon, SRMA-4D (ISLACOM MINDORO) na nagbalik-loob sa pamahalaan.
Ayon kay PCol Danao, isinuko ni Ka Joel ang nasabing bala sa mga tauhan ng Magsaysay Municipal Police Station kasama ang 1st Occidental Mindoro Police Provincial Office.
Ayon pa kay PCol Danao, ito ay bunga ng palaging pagbisita at patuloy na isinasagawang debriefing at pagkakalap ng iba pang impormasyon mula sa nasabing dating rebelde.
Dagdag pa ni PCol Danao ang isinukong bala ng rifle grenade ay kasalukuyang nasa pangangalaga ng Magsaysay MPS para gawan ng dokumentasyon at ipoproseso upang magkaroon ng katumbas na benipisyong hatid ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) mula sa ating gobyerno.
Ito resulta ng patuloy na isinasagawang pagpapalakas ng ugnayan sa komunidad at information gathering mula sa mamamayan at bunsod na rin ng deriktiba mula sa Officer-in-Charge ng Occidental Mindoro Police Provincial Office, Police Colonel Jun Dexter Danao na lalo pang pag-ibayuhin ang paglaban sa terorismo at insurhensya sa lalawigan ng Occidental Mindoro.
Source: Occidental Mindoro PPO
###
Panulat ni Patrolman Erwin Calaus