Tuesday, November 26, 2024

Lambunao MPS, wagi sa 2nd Quarter Pagdayaw Awards ng Iloilo PPO

Iloilo City – Nagwagi at binigyang parangal ang Lambunao Municipal Police Station sa katatapos lamang na 2nd Quarter (CY 2022) Pagdayaw Awards ng Iloilo Police Provincial Office nitong ika-23 ng Agosto 2022 sa IPPO Covered Gym, Iloilo City.

Ang Pagdayaw Awards ay regular na isinasakatuparan ng Iloilo PPO upang kilalalin at bigyang parangal ang mga istasyon at yunit sa buong probinsya na may katangi-tanging mga nagawa.

Nanalo ang Lambunao MPS sa anim na kategorya, kasama sa kanilang mga napanalunan ang Top 1 Best Unit, Best in Operations, Best in PCR, Best in Logistics, Best in Plans and Programs, at ang Highest Accomplishment on OPLAN “TKAL”.

Pinangunahan ni Police Colonel Adrian V Acollador, Provincial Director ng Iloilo Police Provincial Office, ang pagbibigay ng mga parangal kasama si Atty. Suzette Mamon, Municipal Mayor ng Badiangan, Iloilo, na personal namang tinanggap ni Police Major Jogen F Suegay, Chief of Police ng Lambunao MPS.

Nagpasalamat naman si PMaj Suegay sa lahat ng mga mamamayan Lambunao, lalo na sa LGU ng Lambunao, sa pamumuno ni Mayor Reynor Gonzales, at sa mga stakeholders sa walang sawang suporta at sa mainit na kooperasyon upang maging mas matagumpay ang pagpapatupad ng batas at pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa kanilang bayan.

###

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,310SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles