Binangonan, Rizal – Tinatayang Php187,000 na halaga ng shabu ang nasabat sa dalawang suspek sa buy-bust operation ng Binangonan PNP sa Manila East Road, Brgy. Darangan, Binangonan Rizal nito lamang Miyerkules, Agosto 24, 2022.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Vicente Gil Palma, Officer-In-Charge ng Binangonan Municipal Police Station, ang dalawang suspek na sina Mark Dinan y Taeza, 33, delivery rider at Kumiko Nuesca, 31, laborer, pawang mga residente ng Block 26, Lot 9, Brgy. Malanggan, San Pedro, Laguna.
Ayon pa kay PLtCol Palma, bandang 11:00 ng gabi naaresto ang dalawang suspek sa naturang lugar ng mga operatiba ng Municipal Drug Enforcement Team ng Binangonan MPS.
Narekober sa mga suspek ang limang pirasong heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 27.5 gramo at tinatang nagkakahalaga ng Php187,000, isang pirasong Php1,000 bill na ginamit bilang buy-bust money, isang black at red na coin purse, isang pirasong Php1,000 bill na ginamit bilang drug money at isang unit na matte red Yamaha NMax na may Plate No. 6400IH na may kasamang susi at OR/CR.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang PNP ay patuloy na paiigtingin ang kampanya laban sa ilegal na droga at iba pang krimen upang mapanatiling ligtas at maayos ang komunidad.
Source: Binangonan Municipal Police Station
###
Panulat ni Police Executive Master Sergeant Joe Peter Cabugon