Tacloban City – Nagsagawa ng Community Outreach Program ang mga tauhan ng Tacloban City Mobile Force Company sa Camansihay Elementary School, Brgy. 98 Camansihay, Tacloban City nito lamang Lunes, Agosto 22, 2022.
Ang aktibidad ay bahagi sa patuloy na programa ng Tacloban City Mobile Force Company sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Aladdin E Dingal, Force Commander, kasama ang Advisory Group of Police Transformation and Development (AGPTD) sa pamumuno ni Atty. Niel Sia, Chairman.
Katuwang din sa programa ang Rotary Club of Tacloban sa pamumuno ni G. Jonathan P. Calvara, Rotary Club President at Regional and Central COMELEC Employees Multi-Purpose Cooperative (RECEMPC).
Humigit kumulang 100 na mga mag-aaral ng Kinder hanggang Grade-6 pupils ng nasabing paaralan ang nabigyan ng mga school supplies at food packs.
Lubos naman na nagpapasalamat ang School Principal na si Ms Lilia I. Villafrancia sa mga kapulisan at sa iba pang organisasyon sa pagpili ng kanilang paaralan upang mabigyan ng tulong.
Sinisiguro naman ni PLtCol Dingal sa mga guro, mag-aaral at mga magulang na patuloy ang kapulisan sa pagbibigay seguridad sa mga paaralan upang matiyak ang kanilang kaligtasan.
###
Panulat ni Patrolwoman Rialyn B Valdez