Eastern Samar – Inilunsad ng Eastern Samar Police Provincial Office ang P.N.P. C.A.R.E.S. program na nangangahulugang Pencil-Notebook-Paper Crayons-Art Book-Ruler-Eraser-Sharpener sa unang araw ng pagbabalik eskwela sa Bigo Elementary School, Brgy. Bigo, Arteche, Eastern Samar nito lamang Lunes, Agosto 22, 2022.
Ang aktibidad na ito ay isa sa mga Best Practices ng Eastern Samar Police Provincial Office sa pamumuno ni Police Colonel Matthe L Aseo bilang suporta sa mga plano at programa ng Department of Education.
Nakapagbahagi ang grupo ng mga school supplies sa 63 na multi-grade elementary pupils ng nasabing paaralan.
Ang P.N.P. C.A.R.E.S. ay naglalayong magbigay ng mga pangunahing kagamitan sa paaralan para sa mga mag-aaral na labis na nangangailangan ng tulong dulot ng kahirapan.
Layunin din ng proyektong ito na maitanim sa isipan ng publiko na bukod sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa komunidad, kaibigan ang PNP sa mga bagay na makakabuti sa mamamayan. Inaasahan din na mabubuo ang pakikipagtulungan at palakasin ang partisipasyon ng komunidad sa mga programang pangkapayapaan at pampublikong kaligtasan.
###
Panulat ni Patrolwoman Rialyn B Valdez