Camp Crame, Quezon City – Idinaos ang Ceremonial Turn-over ng mga sasakyan at SGTI Scholarship Grant mula sa Public Safety Mutual Benefit Fund, Inc (PSMBFI) nitong ika-22 ng Agosto 2022 sa PNP National Headquarters sa Camp Crame, Quezon City kasabay ng Traditional Flag Raising Ceremony.
Tinatayang nasa mahigit Php7.2 milyon na halaga ng SGTI Scholarship Grant para sa mga PNP Dependent kasama ang tatlong (3) yunit ng ambulance para sa Police Regional Office 1, PRO 4B at PRO 6 at dalawang (2) yunit ng motorcycle na mapupunta naman sa Headquarters Support Service ang ibinigay ng PSMBFI sa PNP.
Personal na iniabot ni Atty. Joel Napoleon M Coronel, President at CEO ng PSMBFI, ang nasabing mga donasyon kay PNP Chief Police General Rodolfo S. Azurin, Jr.
Kasabay ng programa ang awarding ceremony para sa mga PNP personnel na mayroong katangi-tanging mga nagawang operational accomplishment.
Samantala, nagpasalamat naman si Police General Azurin sa iba’t ibang mga stakeholders nito lalo na sa PSMBFI sa walang sawang suporta nito sa mga adbokasiya ng pulisya upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa buong bansa.
Aniya, sa tulong ng iba’t ibang stakeholders mas magiging epektibo pa ang paghahatid ng serbisyo publiko ng Pambansang pulisya hindi lang sa pagtataguyod ng internal security kundi pati na rin sa mga emergency operations.
###