Arestado ang 31-anyos na suspek sa kasong Statutory Rape sa ikinasang joint-operation ng Anda Police Station at Pangasinan Intelligence Unit ng Pangasinan Police Provincial Office sa Brgy. Sablig, Anda, Pangasinan noong ika-8 ng Nobyembre, taong kasalukuyan.
Kinilala ang suspek na si Tony Caslib Sr y Cas a.k.a Toni, Top 1 Most Wanted Person (Municipal Level) ng Anda, Pangasinan.
Naaresto siya sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong “Two (2) counts” of Statutory Rape Defined and Penalized Under Art. 266-A Par (D) ng Revised Penal Code na inilabas ni Hon. Marlon Soriano Meneses, Presiding Judge ng Regional Trial Court, First Judicial Region, Branch 55, Alaminos City, Pangasinan noong October 28, 2021 na may Criminal Case Number 9077-A at 9078-A na walang rekomendadong piyansa.
Ang suspek ay nasa kustodiya na ng Anda Police Station para sa tamang dokumentasyon at disposisyon.
#####
Panulat ni: Police Staff Sergeant Carmela G Danguecan