Sto. Nino, Cagayan – Nasa mahigit 600 na residente ang naging benipisyaryo ng Community Outreach Program ng Sto. Niño Police Station na ginanap sa Barangay Calassitan, Sto. Nino, Cagayan noong August 17, 2022.
Ayon kay Police Major Norly Gamal, Officer-In-Charge ng Sto. Niño Police Station nagkaroon ng gift giving, feeding program at libreng gupit.
Namahagi rin ng mga bitamina, gamot, mga buto ng gulay at foods packs.
Laking pasasalamat ng mga residente sa barangay dahil bukod sa mga nabanggit ay nakatanggap din sila ng multi-purpose solar drying trays.
Matagumpay ang programa dahil sa pakikiisa ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan katulad ng Department of Interior and Local Government, Department of Health, Department of Agriculture, Department of Environment and Natural Resources, Department of Social welfare and Development, Armed Forces of the Philippines, Department of Science and technology, National Intelligence Coordinating Agency, Department of Labor and Employment, Department of Trade and Industry, Regional Mobile Force Battalion 2 at mga miyembro ng Barangay-Based at My Brother’s Keeper-Life Coaches.
Ang Pambansang Pulisya katuwang ang iba’t ibang opisina ng pamahalaan ay patuloy na maghahatid serbisyo sa mga kababayan nating nangangailangan at mga nakatira sa liblib na lugar.
Source: Sto Niňo PS
###
Panulat ni Police Corporal Carla Mae P Canapi